Nanindigan ang House Quad Committee na hindi na kailangang dahil pa sa ospital si dating PSCO GM Royina Garma matapos na sumakit ang kanyang leeg at tuhod.
Ayon sa Kamara, tinutugunan naman ng House Medical and Dental Service ang iniindang sakit nito.
Si Garma ay nananatili sa Kamara matapos na icite in contempt sa nakalipas na pagdinig ng House Quad Committee kamakailan dahil sa pagsisinungaling nito.
Nagsumite ng liham si Garma sa komite para ipagbigay alam ang kanyang sakit sa leeg at tuhod.
Kaugnay nito ay sinabi ng komite na i-evaluate muna ng House Medical team kung maaari bang dalhin sa ospital si Garma.
Paliwanag ni House Sec. Gen. Reginald Velasco,matapos na lumabas ang evaluation, sumakit ang leeg at tenga ni Garma dahil sa dental problem at natugunan at nagamot na ito.
Sa ngayon, sumailalim ito sa physical therapy para sa iniinda nitong sakit sa tuhod.