image 686

Nag-udyok sa mga mambabatas sa Kamara de Representantes ang paglalagay ng China ng floting barriers sa Bajode Masinloc para i-reallocate ang confidential at intelligence funds sa PH Coast Guard at 3 iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa isang joint statement, sinabi ng pinuno ng political parties sa Kamara na ang aksiyon na ito ng China ay hindi lamang hadlang sa karapatan at kabuhayn ng mga mangingisdang Pilipino kundi nakagambala din umiiral na kaayusan at pagututulungan sa rehiyon.

Bilang resulta, nireallocate ng mga pinuno ng Kongreso ang confidential funds sa PCG, Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Saad pa ng mga ito na ang nabanggit na ahensiya ay mas mahusay na nakaposisyon para labanan ang mga banta sa seguridad, protektahan ang ating territorial waters at siguraduhin ang karapatan at access ng mga mangingisdang Pilipino sa tradisyunal na pangisdaan sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Binibigyang diin din ng desisyon na ito ang pangangailangan na masiguro na ang resource allocation ay nakahanay sa national priorities at urgent needs ng mamamayang Pilipino na sumasalamin sa commitment sa pondo na balanse, pantay at tumutugon sa tunay na pangangailangan at kagustuhan ng mamamayang Pilipino.