Ipinag-utos na ng House of Representative ang pag-aresto at pagditene kay dating presidential adviser Michael Yang na kilala din bilang si Hong Ming Yang kaugnay sa pagkakasangkot nito sa P3.6 billion drug bust sa Mexico Pampanga nuong nakaraang taon.
Ito’y matapos nilagdaan ni House Secretary General Reginald Velasco ang arrest order matapos i-contempt ng House Committee on Dangerous Drugs ang negosyante dahil sa patuloy nitong hindi pagdalo sa pagdinig ng komite.
Agad naman isinilbi ni House Sergeant at Arms retired Genera; Napoleon Taas at ng kaniyang team ang arrest order sa Fortun-Law Offices sa Las Pinas City. Si Yang ay dating adviser ni Pang. Rodrigo Duterte na nauugnay sa incorporator ng Empire 999 Realty Corporation na nagmamay-ari sa warehouse kung saan nasabat ang P3.6 billion na shabu.
Sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na siyang chairman ng Komite na unanimous ang boto ng mga miyembro na i-contempt si Yang.
Nilabag ni Yang ang Section 11 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
Inihayag ni Barbers na batay sa kanilang pagdinig na konektado si umano si Yang sa kompanya na nagmamay-ari ng sa nasabing warehouse.
Sinabi naman ni Barbers na batay sa nakuha nilang impormasyon wala na sa bansa si Michael Yang at ang huling ulat ay nasa Dubai na ito.
Ayon sa Kongresista makikipag ugnayan ang kaniyang komite sa Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs upang i-alerto ang ibang bansa hinggil sa inilabas na arrest order.
Ipinunto ni Barbers na mahalaga ang testimonya ni Yang hinggil sa illegal drug smuggling activities.