-- Advertisements --

Pinagtibay ng Kamara ang isang House Resolution na nagpapahayag ng simpatiya at matinding pakikiramay kay His Majesty King Charles III, sa royal family, sa mga residente ng United Kingdom ng Great Britain at Northern Ireland sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Ang House Resolution (HR) No. 346 ay inihain ni Speaker Martin Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

Ang HR 346 ay pinagtibay sa pagsasama sa HR 347, 349 at 350.

Maalala si Queen Elizabeth sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa kanyang bansa, na may malalim na paggalang at labis na pagmamahal dahilan na kailanman hindi siya malilimutan sa kaniyang naging mga kontribusyon.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez na ang kopya ng nasabing resolusyon ay kanilang ibibigay sa British Embassy sa
Maynila.

Pumanaw si Queen Elizabeth II nuong September 8,2022 ang longest-reigning monarch.

Naiwan ni Queen Elizabeth II ang kanyang mga anak, His Majesty King Charles III, Princess Anne, Prince Andrew at Prince Edward, walong mga apo at 12 apo sa tuhod.

Siya ay ikinasal sa yumaong si Prince Philip Mountbatten, Duke of Edinburgh noong Nobyembre 20, 1947 sa Westminster Abbey sa London.

Noong June 2022, ipinagdiwang ni Queen Elizabeth II ang kanyang platinum jubilee na minarkahan ang pinakamahabang paghahari sa kasaysayan ng Britanya na nagtagal ng 70 taon ng serbisyo.

Batay sa explanatory notes ng nasabing resolusyon, ang kanyang Kamahalan, Queen Elizabeth II ay isang recognizable figure sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo na nagsilbing inspirasyon sa maraming generations ng public servants sa lahat ng bahagi ng bansa.

Si Queen Elizabeth II ay simbolo ng isang banayad, ngunit matibay na bato ng katatagan na nagpakita ng kagandahang-loob habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa panahon ng krisis.