-- Advertisements --

Pinagtibay ng House of Representatives ang bicameral conference report ng House Bill 7836 at Senate Bill 2332 na naglalayong pataasin ang edad para ma-determina ang statutory rape.

Kapag ito ay naratipikihan na ng Senado ang pinagsamang panukalang batas na naglalayong matbay na proteksyon laban sa panggagahasa, sexual exploitation at abuse ay agad na ipapadala ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang pirma.

Sinabi ni House Committee on Revision of Laws chair at Zambales 2nd District Rep. Cheryl P. Deloso-Montalla na kanilang nadetermina na ang edad ng statutory rape ay mailalagay na sa edad 16 kahalintulad ng global standard.

Inihanay din aniya din nila ang age of consent sa ibang mga krimen sa ilalim ng criminal code at ibang mga anti-child abuse and explotation laws.