-- Advertisements --

Pinagtibay ng House of Representatives ang Committee Report No. 638 kung saan inirerekumenda ang rectification of inconsistency sa pagitan ng CREATE Law at sa Implementing Rules and Regulations (IRR) partikular sa pagpapatupad ng value-added tax (VAT) sa importation at local purchases ng mga goods and services ng mga registered business enterprises (RBEs) sa mga special economic zones.

Ang nasabing report na inakda ni Committee on Ways and Means, Chairman Rep. Joey Sarte Salceda ay resulta ng extensibong deliberasyon.

“We have received assurances that the Department of Finance will act on the Resolution. In the coming days, they will issue amendments to the CREATE Law IRR so that registered export enterprises can continue to avail of VAT zero-rating throughout the transition period, and that domestic market enterprises inside ecozones will be allowed to register as VAT taxpayers so they can avail of the VAT refund system,” pahayag ni Salceda.

Batay sa Committee Report, may nakita silang glaring inconsistencies sa pagitan ng liham at layunin ng CREATE Law at ng mga alituntunin at regulasyon na inilabas upang ipatupad ang mga probisyon nito.

Sinabi ni Salceda,”These inconsistencies were abject in (1) the disrespect for the transition period prescribed under Section 311 of the Tax Code about the VAT privileges attached to the preferential five percent (5%) tax on gross income earned (GIE); and (2) the distinction between registered domestic and export enterprises in applying VAT privileges, when the law did not make such distinctions.”

Inirekumenda din sa committee report na palawakin ng DTI-BOI ang kanilang reach bilang non-zone-based investment promotion agency sa pamamagitan ng pag integrate sa incentive promotion sa mga DTI regional offices nang sa gayon ma improve ng BIR ang kanilang proseso sa VAT refund claims.

Umaasa si Salceda na lahat ng mga tanong tungkol sa IRR ng CREATE LAw ay matutuldukan na sa katapusan ng kasalukuyang taon.