-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na prayoridad ng House of Representatives ang mag apruba sa mga panukalang batas na makakatulong sa mga Filipino seafarers sa buong mundo.

Sinabi ni Speaker na binibigyan ng prayoridad ng mga mambabatas na maisulong ang proposed Magna Carta for Seafarers.

Ang nasabing panukala ay kabilang sa 32 legislative measures specified bilangpriority sa ilalim ng common legislative agenda ng Senado at Kamara.

Layunin ng panakulang magna carta ay protektahan ang karapatan at isulong ang kapakakanan ng mga Filipino seafarers sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang code of laws.

Layon din nito na mapabuti ang working conditions, terms and conditions of employment at tiyakin ang socio-economic well-being ng mga Pinoy seaman.

Sa sandaling maging ganap na batas ito, magsisilbi din itong batas para sa Maritime Labor Convention of 2006 na naratipikahan ng Pilipinas nuong Aug. 13, 2012.

Pinawi naman ni Speaker ang pangamba na ang naturang proposed measures na may kaugnayan sa maritime industry ay nananatiling pending sa Kamara gaya ng panukalang Maritime Education and Training Act na naglalayon na i-adopt ang modern maritime education and training regime at suportahan ang pangangailangan ng mga mga maritime students and professionals.

Binigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng maritime ector sa ekonomiya ng bansa kung saan ang Pilipinas ang isa sa largest suppliers ng manpower sa global maritime industry.