-- Advertisements --

Sinang-ayunan ng House of Representatives ang ginawang ginawang pag-ameyanda ng Senado sa House Bill 10373 na nagpapalawig sa validity ng 2021 budget ng hanggang sasusunod na taon.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas ang pagpapalawig ng Republic Act 11518 o ang 2021 General Appropriations Act ng hanggang Disyembre 31, 2022.

Inaasahan na agad itong mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para gawing tuluyang ng batas.

Kapag walang extensions ay lahat ng mga hindi nagamit na pondo ng Disyembre 31 ngayon taon ay ibabalik sa National Treasury.