-- Advertisements --

Tiniyak ng mga kinatawan sa Kamara de Representantes ang hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na magkaroon ng isang koalisyon ang administrasyon para suportahan ang mga kandidatong tatakbo sa May 2025 mid-term elections.

Ayon kay Isabela Representative Faustino Dy na ang kagustuhan ng Pangulo ay siya ring hangarin ng iba pang miyembro ng partido ng Lakas.

Ang Lakas-CMD, ay pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pinakamalaking partido sa Kamara.

Ikinagagalak din ni Assistant Majority Leader Mikaela Angela “Mika” Suansing (Nueva Ecija, 1st District) na isang miyembro ng Lakas ang naging pahayag ng Pangulo.

Inihalimbawa din ng lady solon ang matagumpay na paggabay ni Speaker Romualdez sa mga kinatawan ng kapulungan upang maaprubahan ang mga pangunahing panukala ng administrasyon, na nagawang pagsama-samahin ang iba’t ibang political party sa Kamara.

Nakikiisa rin ni Assistant Majority Leader Amparo Maria “Pammy” Zamora (Taguig City, 2nd District), ng Nacionalista Party (NP), sa naging pahayag ng Pangulo.

Sa panig naman ni Deputy Majority Leader Jude Acide (Tingog Partylist),  aniya Bilang bahagi ng isang koalisyon ng mga party-list na sumusuporta sa administrasyon, natutuwa sila sa panawagan ng Presidente na magkaisa ang mga partido political sa pagsulong ng isang common agenda sa pangunguna ng Punong ehekutibo.

Ayon pa kay Acidre na ang nakamit na tagumpay ng Kamara sa pagpasa ng mga kinakailangang panukala ng administrasyon ng Pangulong Marcos ay isang katibayan na maraming naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga partido sa pulitika.