Suportado ng House of Representatives ang planong pagbili ng pamahalaan ng 20 bagong F-16 fighter jets sa Estados Unidos na mahalagang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para lalo pang palakasin ang pambansang depensa ng bansa.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, sa tagal ng na modernization plan ng Armed Forces of the Philippines hindi na bago ang planong pagbili ng bagong fighter jets na layong palakasin ang depensa ng teritoryo ng bansa at harapin ang mga banta sa seguridad.
Binigyang-diin ni Acidre ang mas malawak na kahalagahan ng pagpapalakas ng kakayahan ng AFP.
Kamakailan ay inaprubahan ng U.S. State Department ang pagbebenta ng 20 F-16 fighter jets sa Pilipinas, na tinatayang nagkakahalaga na $5.58 bilyon. Ang hakbang na ito ay tugma sa layunin ng Pilipinas na i-modernize ang air force kasabay ng pagpapalakas ng koordinasyon nito sa mga kaalyadong bansa.
Ipinahayag ng Department of National Defense ang plano nitong kumuha ng long-term loan mula sa US upang pondohan ang nasabing acquisition, bilang patunay ng dedikasyon ng administrasyon na palakasin ang kakayahan sa depensa sa kabila ng kakapusan sa badget.