Tiniyak ni Marikina Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations na aaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P6.352-trillion 2025 national budget sa Setyembre 25.
Nauna nang nangako si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na aaprubahan na ng Kamara ang budget bago ang ikatlo at huling regular na sesyon ng Kongreso sa unang recess nila sa Setyembre 25.
Sinabi ni Speaker susuportahan ng proposed outlay ang Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas programs ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Sinabi ni Quimbo na ang mga debate sa plenaryo sa iminungkahing badyet ay magsisimula sa Lunes, ang talakayan ay nakatuon sa mga pangkalahatang prinsipyo na ginagamit sa pagsasama-sama ng 2025 na programa sa paggastos.
Kumpiyansa si Quimbo na matatapos sa September 25 ang budget deliberations kung saan magsasagawa sila ng marathon sessions na magsisimula ng alas-10:00 ng umaga.
Asahan din sa plenaryo ang debate ng mga kapwa mambabatas na dadaluhan ng mga pinuno ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.
Si Quimbo ang nag anunsiyo sa naging desisyon ng committee on appropriations na tapyasan ang panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) ng P1.3 billion mula P2.03 billion at nagyon ay nasa P733 million.