Pormal ng tinanggap ng Kamara ang impeachment complaint na inihain ng ibat ibang advocacy group laban kay Vice President Sara Duterte.
Bandang alas-4:30 ng hapon tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang formal impeachment case na inihain ng 17 complainants mula sa ibat ibang civil society groups.
Sinabi ni Velasco na ang HOR ay constitutionaly mandated na aksiyunan ang impeachment complaints na inihain ayon sa 1987 constitution.
Sinabi ni Sec Gen na batay sa konstitusyon, ang isang verified complaint for impeachment ay maaring i file ng sinumang mioyembro ng kamara batay sa isang resolution of endorsement.
Nilinaw ni Sec Gen. na ang pagtugon sa impeachment complaint ay hindi discretionary act ng House of Representatives kundi isang constitutional obligation.
Malinaw sa konstitusyon dapat matiyak ang fairness at naaayon sa rule of law.
SI Akbayan Rep. Perci Cendana ang nag endorce sa nasabing impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara.
Sinabi din ni Cendana na ang kaniyang pag endorso sa impeachment complaint ay maituturing na historic dahil ito ay laban sa pangalawang pinaka mataas na lider ng bansa.
Sinabi ni Cendana panahon na para isara ng taong bayan ang bangungungot na dulot ni VPA Sara.
Ayon sa kongresista, deserve ng mga Filipion ang isnag ethical, accpountable at committed sa public service hindi yung ginagamit ang kaniyang authority para sa kaniyang personnal gain.
Samantala, pinangalanan ni dating senator Leila de lima na nagsisilbing tagapagsalita ng grupo ang 17 signatories sa impeachment complaint.
Ang mga complainants ay sina Teresita Quintos Deles, Fr. Flaviano Villanueva, SVD, Fr. Robert Reyes, Randy Delos Santos (uncle of Tokhang victim Kian Delos Santos), Francis Aquino Dee, Leah Navarro, Sylvia Estrada Claudio, Alicia Murphy, Sr. Mary Grace De Guzman, SFIC, at dating Magdalo Rep. Gary Alejano.
Sinabi ni De Lima na base sa articles of impeachment lima ang grounds, ito ay culpable violations of the constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes at hindi lang nakasama dito ay ang treason.