-- Advertisements --
Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez sa mga Filipinong magsasaka na makakatanggap sila ng sapat ng tulong mga sa gobyerno sa pamamagitan ng mga subsidies.
Ito’y matapos maghayag ng pagkabahala ang mga rice farmers hinggil sa pagkaltas sa taripa sa mga imported na bigas.
Ayon kay Romualdez sa ilalim ng administrasyong Marcos, committed ito na protektahan at i-empower ang mga lokal na magsasaka dahil mahalaga ang kanilang papel upang makamit ang rice self-sufficiency ng bansa.
Dagdag pa ni Speaker na napaka importante na suportahan ang ating mga magsasaka.
Una ng siniguro nina Rep. Mark Enverga at Rep. Elizaldy Co na hindi makaka-apekto sa kapakanan ng mga local farmers ang pagkaltas sa taripa sa bigas.