Tiniyak ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongresoa ng paghahatid ng tulong para sa mga pamilyang apektado dahil sa tumamang malakas na lindol na magnitude 7.4 noong Sabado.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, inihahanda na nila ang pagpapakilos sa mga resources at pagpasa ng urgent measures na makakatulong para sa recovery at rebuilding efforts.
Nagpahayag din ng pakikiisa at simpatiya ang Kamara sa mamamayan ng Surigao del Sur.
Sinabi din ng House Speaker na ang kapakanan at kaligtasan ng apektadong mga residente ay mahalaga kayat gagawin aniya nila ang kanilang makakaya para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Hinimok din ni Speaker Romualdez ang kapwa niya mambabatas at lahat ng sektor na makiisa sa pagpapaabot ng tulong para sa mga biktima ng lindol.