Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa liderato ng Philippine Air Force (PAF) at maging sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP) na fully funded sa annual national budget ang kanilang modernization at welfare programs.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa pagdalo nito sa PAF’s 77th anniversary celebration kahapon sa Basa Airbase sa Pampanga.
Sinamahan ni Speaker Romualdez si President Ferdinand R. Marcos, Jr. na siyang Guest of Honor and Speaker sa nasabing aktibidad.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez, na committed ang Kamara sa hangarin ng Pangulong Marcos para maging malakas at credible ang buong Sandatahang lakas ng Pilipinas.
Siniguro ni Romualdez na ipagpapatuloy ng Kamara na palakasin pa ang defense capabilities ng AFP, matiyak na safe and secure ang Pilipinas at mapabuti pa ang kondisyon at kapakanan ng mga sundalo.
Ipinunto ni Speaker kaniyang sisiguraduhon na magkaroon ng sapat na budget para bumili ng mga bagong aircraft, cutting-edge radar systems at mga state-of-the-art equipment.
Pinuri at pinasalamatan ng House Leader ang mga Air Force personnel dahil sa kanilang “dedication, bravery, at unwavering commitment sa kanilang sinumpaang trabaho.