-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimok ngayon ng unang grupo ng mga nagsilbing complainants ng impeachment complaint ang Kamara na gawin ang pinakamabilis na paraan upang makarating agad sa Senado ang impeachment complaint na kinaharap ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi sa Bombo Radyo ni dating Senador Liela de Lima na tumatayong tagapagsalita ng group of complainants na puwede naman gawin ng 1/3 ng mga mambabatas na gumawa agad ng resolution at article of impeachment upang hindi na dadaan ng mga pagdinig upang iwasan ang aksya ng panahon.

Inihayag ni De Lima na mayroong tatlo na paraan na maaring gamitin ng Kamara subalit para agad malitis ang reklamo laban VP Sara ay hindi na sila magsagawa ng ilang linggo na trial proper.

Aniya, kung gustuhin talaga ng mga mambabatas na agad ma-resolba ang mga akusasyon na kinaharap ng bise-presidentee.

Magugunitang nasa higit 20 na article of impeachment ang pinagbatayan ng grupo paghain nila laban kay VP Sara.