-- Advertisements --

Nasawi ang limang taong gulang na kambal na babae sa isang sunog sa Tondo, Maynila matapos itong ma-trap sa kwarto ng ikalawang palapag ng kanilang bahay. 

Ayon sa ulat, hindi na nailigtas ng yaya ang dalawang alagang kambal. Nagbanyo muna saglit ang yaya sa unang palapag ng bahay hanggang sa marinig na nitong sumisigaw ang mga bata.

Nagawa pa umano nitong tumakbo sa kuwarto ng kambal sa ikalawang palapag ngunit nilamon na umano ng apoy ang kuwarto kaya hindi na niya nagawa pang iligtas ang kambal. 

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.