-- Advertisements --
Itinanghal ng Guinness World Records ang identical twins sa Japan bilang pinakamatandang kambal na nabubuhay.
Kinilala ang mga ito na sina Umeno Sumiyama at Koume Kodama na may edad 107 taon at 300 na araw.
Isinilang ang dalawa noong November 5, 1913 sa Shodoshima.
Isinabay ang anunsiyo sa Respect for the Aged Day, isang national holiday sa Japan.
Dahil sa COVID-19 pandemic ay ipinadala na lamang sa kanila ang mga certificate sa magkahiwalay na care homes.
Nahigitan ng dalawa ang dating may hawak ng record na sina Kin Narita at Gin Kanie na may edad 107 years and 175 days na pumanaw noong Enero 2000.
Sa Japan rin matatagpuan ang pinakamatandang tao sa buong mundo na si Kane Tanaka na may edad 118.