-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ang isang pamilya na may-ari ng isang kambing matapos na kanilang mapansin na hinalay umano ito ng tao.

Hindi maiwasan ng isang pamilya na magalit sa sinapit ng kanilang alagang kambing kung saan nangyari ito sa Talomo River sa Calinan nitong lungsod.

Sinasabing naabutan na lamang nila ang nasabing kambing na mahigpit ang pagkakagapos sa mga paa at napapansin nila na namaga ang ari nito.

Hindi umano nila lubos na maisip ang sinapit ng kanilang alaga dahilan na kanila itong inireklamo sa barangay para hindi na maulit ang nasabing insidente.