-- Advertisements --
Halos walang gaanong naging pagkilos ang bagyong may international name na “Kammuri” o tatawaging bagyong “Tisoy” kapag nasa Philippine area of responsibility (PAR) na.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, kung mananatiling ganito ang takbo ng nasabing sama ng panahon, mas lalong magtatagal ito sa karagatang sakop ng ating bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,455 km sa silangan ng Southern Luzon.
May lakas itong 140 kph at may pagbugsong 170 kph.
Pinag-iingat naman ng Pagasa ang publiko sa Bicol region, na pangunahing maaapektuhandahil sa lakas ng hangin at ulang dala ng papalapit na bagyo.