-- Advertisements --

Magkakasabay na patutunungin ng lahat ng simbahan sa Malolos ,Bulacan ang kanilang kampanya.

Ayon sa Diocese of Malolos, na pagdating ng alas-4 ng hapon ay patutunungin nila ng 88-beses ang kampana.

Ang nasabing bilang ay sumisimbolo sa edad ng namayapang si Pope Francis at sa nasabing oras din ay siyang oras ng libing nito.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na ang lahat ng mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng kampo sa buong bansa ay nakalagay sa half-mast bilang pakikisimpatiya sa pagpanaw ng Santo Papa.

Magugunitang idineklara ni Pangulong Ferdinand ang apat na araw na pagluluksa na magtatapos ngayong araw dahil sa pagpanaw ng Santo Papa.