-- Advertisements --

Pinatunog na sa unang pagkakataon ang kampanya sa Notre Dame matapos ang naganap na sunog sa simbahan noong 2019.

Umalingawngaw ang tunog ng walong kampana ng Notre Dame matapos ang isang buwan ng ito ay muling buksan sa publiko.

Isinabay ang pagbubukas ng simbahan sa ika-limang taon noong nangyari ang pagkakasunog ng simbahan.

Noong Abril 19, 2019 ng masunog ang sikat na simbahan sa buong mundo.

Agad naman na gumawa ng hakbang si French President Emmanuel Macron para mapatayo ang nasabing simbahan.

Nagtulong-tulong ang hindi bababa sa 250 na kumpanya at ilang daang eksperto para sa restoration ng simbahan na nagkakahalaga ng ilang milyong euros.

Sa darating na Disyembre 7 at 8 ay isasagawa ang weekend of ceremonies para sa pormal na pagbubukas ng Nortre-Dame.