-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng inilunsad na Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF Meeting) ibinahagi ni Board Member Krista Piñol-Solis na ASF Free na ngayon ang Probinsya basi na rin sa datus na inilabas ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET).

Buwan ng Disyembre ang huling naitala ang pagkakaroon ng kaso ng ASF sa siyam na barangay sa North Cotabato. Subalit, Ipinagbabawal pa rin na makapasok sa probinsya ang mga karne, processed meats at canned goods na gawa sa karneng baboy.

Kaugnay nito, inaasahan na ipatupad ng ASF Task Force ang paghigpit pa rin ng ASF checkpoint sa mga borders ng Probinsya. Magkakaroon rin ng foothbath at tire bath para sa mga nagbabyahe.

Hiniling rin ang kooperasyon ng bawat LGU na makiisa sa kampanya upang mapanatili na zero case rate ng probinsya. Nasa pulong si OPVeT Head Dr. Rufino Sorupia, Provincial Agriculturist Dr. Sustines Balanag at mga kawani ng OPVET.