CAUAYAN CITY – Mas paiigtignin pa ng Pamahalaang Lungsod ng Santiago ang kanilang kampanya kontra African swine fever (ASF)
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Mayor Joseph Tan, sinabi niya na mas magiging mahigpit pa ang National Meat Inspection Service o NMIS ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa Lunsod.
aabot anya ng hanggang tatlong taon bago tuluyang maideklarang ASF free ang isang lugar kaya bilang tugon ay maghihigpit sila sa monitoring sa mga red Area na isinailalim sa lockdown upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng sakit sa Lungsod.
Ayon pa kay mayor Tan sinisikap ng kanilang pamunuan na mabalanse ang kalusugan at kabuhayan sa Lunsod.
Iginiit naman niya na maliban sa baboy ay maaaring gawing alternatibo ng ilang mga meat vendors ang pagbebenta ng Baka, Kalabaw, kambing at Manok na kasalukuyang oversupply.
Sa kasalukuyan naglalaro sa isang daan at walumpong piso bawat kilo ng live weight habang pumapalo naman sa tatlong daang piso ang presyo ng bawat kilo ng karne ng baboy.
Batay sa pinakahuling datos ng City Veterinary Office, nasa labinsiyam na barangay ang nanatiling ASF free habang aabot sa labinwalong barangay ang nakapagtala ng kaso ng ASF.