-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sa pagnanais na muling maimpormahan ang mga barangay ng bayan ng Kabacan Cotabato kaugnay sa kampanya laban sa iligal na droga, muling nagsama-sama ang mga barangay ng bayan upang muling alamin ang programa.

Ayon kay Kabacan MLGOO Ranulfo Martin, mayroong taatlong programa na nasa ilalim ng Drug Campaign na kailangang pagtuunan ng pansin. Ito ang Brgy. Drug Clearing Activity, Community Based Drug Rehabilitation Program, at After Care and Reintegration.

Dagdag pa ni Martin, mainam na muling maimpormahan ang mga barangay kaugnay sa nasabing programa lalo’t ito pa rin ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hinilingt naman ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa mga Kapitan na laging bigyang importansya ang kampanya dahil ang iligal na droga ang sisira sa buhay at pamayanan.

Nagbigay naman ng lecture si MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr kaugnay sa kaibahan ng medicine at drug.

Nagpaalala si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga indibidwal na sangkot sa pinagbabawal na droga sa mga nais magbago ady tutulungan sila ng gobyerno.