-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mas pinaigting ngayon ng 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army ang paglansag ng mga loose firearms para mapigilan ang mga krimen na nangyayari sa lugar na nasasakupan nito.

Ayon kay Major General Roy Galido, ang Commander ng 6ID at Joint Task Force Central na dapat ay matanggal ang instrumento ng karahasan. “The instrument of violence must be removed to prevent it from sowing violence among us”.

Ito ang ipinahayag ng opisyal matapos na itinurn-over ng mga residente sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao del Sur ang kanilang mga bitbit na armas sa kampo ng 2nd Mechanized Battalion na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Samuel Nadala Jr.

Kabilang sa mga armas na itinurn-over ay ang limang Sniper Rifle na 7.62mm; isang grenade launcher, M203; KJ9 rifle; at isang Cal .45, magazine at mga bala.

Ang turn-over ceremony ay pinangunahan mismo ni Hon Mary Joy Estephanie Midtimbang ang Mayor ng DAM sa isinagawang “Balik Baril Program” sa Municipal Compound. Pormal namang tinanggap ni Colonel Ricky Bunayog, ang Deputy Commander ng 601st Brigade ang walong mga armas sa isinagawang seremonya.

“We are elated by the gesture of support of the local chief executive for the campaign against the proliferation of loose firearms”, wika pa ni Col. Bunayog.

Pinuri naman ni Major General Galido ang hakbang na ito ng mga residente sa Datu Anggal Midtimbang kasabay ng paghikayat nito sa mga indibidwal na may hawak na loose firearms na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa tamang disposisyon ng kanilang mga armas. “This is an effort that we, the military can’t do alone. We need the initiative of the people to voluntarily surrender their loose firearms. After all, it will serve best for their safety”, dagdag na pahayag ng Division Commander.