CENTRAL MINDANAO – Palalakasin pa ang kampanya laban sa pinagbabawal na droga sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pulong ng PADAC, umaabot sa 436 sa 543 na mga barangay sa buong probinsya ang cleared mula sa aktibidad ng iligal na droga.
Marami silang nahuli na nagbebenta at mga nakumpiskang droga.
Nagkakahalaga ng higit P10 million ang kabuuang nakumpiskang shabu at marijuana para sa taong ito.
Binabalak na rin nilang magtayo ng PDEA Cotabato Provincial Office.
Ayon naman sa kapulisan ay umabot sa 7,952 ang mga sumuko ng gumagamit ng droga sa probinsya at lahat sa mga ito ay natulungan na upang magbagong buhay.
Magkatuwang ang pulisya, PDEA at ibang law enforcement unit para palakasin pa ang kampanya kontra iligal na droga sa North Cotabato.