-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa 2,961 ang bilang ng depopulated swine o kinatay na baboy sa probinsya dahil sa African Swine Fever (ASF) ayon sa inilabas na ulat ng Office of the Provincial Veterinarian kasabay nang ipinatawag na management committee meeting ni Governor Nancy Catamco.

Agad iniutos ng Gobernador na papalakasin pa ang kampanya laban sa ASF upang masugpo ito.

Sagot ng OPVET, pinaigting nila ang mga pulong para sa mga hog raisers sa mga apektadong lugar at karatig na mga barangay.

Base sa report ng OPVET, 669 hog raiser ang nasalanta nang ASF at tinatayang P14,805,000 ang estimated value nito basi sa P5,000/head na ayuda ng Department of Agriculture.

Naglulunsad rin sila ng panibagong blood sampling ang OPVET sa mga areas na apektado ng ASF. Bahagi ito ng patuloy na monitoring sa re-occurence na maaring mangyari.

Iniutos agad ni Governor Nancy Catamco ang patuloy na pakikipag ugnayan ng OPVET sa mga tamang ahensya ng pamahalaan upang tuluyan nang mapuksa ang ASF.