-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Naalarma na ang Department of Education (DepEd-12) sa pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon.

Ayon kay Dep-Ed 12 regional director Dr. Allan Farnazo, DepEd-12 na hiniling nya sa mga guro at mga school personnel na paigting pa ang kampanya laban sa dengue.

Kailangang magsagawa ng araw-araw na clean-up drive o “Oplan Kalinisan” sa mga paaralan sa Rehiyon 12 o sundin ang 4 o’clock habit ng DOH para linisin at sunugin ang pinamahayan o pinangitlugan ng mga lamok.

Sa pamagitan ng paglilinis at pagsusunog ay mapigilan ang pagtaas ng dengue cases lalo na sa mga paaralan.

Inatasan rin ni Farnazo sa mga guro na agad maglabas ng memorandum sa mga estudyante na magsuot ng mahahabang medyas at jogging pants upang maka-iwas sa kagat ng lamok.

Dagdag ni Director Farnazo na kailangang magpatupad ng 4S strategy laban sa dengue ang mga paaralan sa buong rehiyon.