Tiniyak ng pamunuan ng BI na wala pa ring humpay ang pagsasagawa nila ng kampanya upang labanan ang kaso ng human trafficking sa bansa.
Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos nilang mailigtas ang aabot sa apat na kababaihan na patungo sana sa China para iligal na magtrabaho doon.
Sa isang pahayag, kinumpirma ito ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco.
Ayon kay Tansingco, maituturing na isang heinous crime ang human trafficking.
Aniya, tina-target nito ang mga mahihirap na Pilipino upang madali itong mapakagat sa magandang offer na sahod sa ibayong dagat.
Tuloy-tuloy rin ang mga hakbang nito para masawata ang ganitong gawain at upang managot ang mga nasa likod nito.
Samantala, hawak na ngayon ng Inter-agency Council Against Trafficking ang nailigtas na biktima para sa karagdagang interbensyon.