Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang palalakasin ang kampanya laban sa illegal firecrackers at pyrotechnics ngayong bagong taon.
Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, kaniya nang inatasan at pinaalalahanan ang lahat ng police units hinggil sa polisiya sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnics devices sa kanilang areas of responsibility.
Sinabi ni Carlos na isinusulong ng PNP ang ligtas na pagdiriwang ng bagong taon kaya batid na ng mga kapulisan sa ground kung anong mga firecrackers ang mahigpit na ipinagbabawal.
Siniguro naman ni PNP chief, na kanilang huhulihin ang mga lalabag sa batas lalo na ang mga manufacturers, retailers at maging ang publiko.
Una nang ipinaalalahanan ni DILG Secretary Eduardo Ano ang Executive Order 28 na pirmado ni Pangulong Duterte ang ukol sa regulation of the manufacturing, selling and using of firecrackers and pyrotechnic devices sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Carlos, katuwang ng PNP ang mga LGUs sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Una nang naglabas ang PNP ng listahan sa mga ipinagbabawal na paputok ng sa gayon mabatid ito ng publiko.