Lalo pang palalakasin ngayon ng militar sa probinsiya ng Sulu ang kanilang kampanya laban sa mga loose firearms.
Ito’y kasunod sa pag surrender ng ibat-ibang uri ng mga matataas na kalibre ng armas ng mismong alkalde ng Pata Island na si Hon. Anton Burahan.
Pinuri ni Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana ang hakbang ng alkalde ng Pata Island sa pagsuko sa mga narekober na mga war materiel.
Sinabi ni Sobejana na ang pagsuko ng mga nasabing armas ay dahil sa pinalakas na kampanya ng militar laban sa mga illegally possessed firearms.
Giit ng heneral layon ng militar na gawing gun-free ang Sulu ng sa gayon matuldukan na ang problema ng terorismo at maging sentro na ito ng turismo.
” We exert efforts to transform Sulu from terrorism to tourism, we want also to espouse the hashtag “from ARM to FARM”, wika ni Sobejana.
Magugunita na mismo ang alkalde ang nanguna sa pag suko ng mga narekober na armas sa mga tauhan ng Naval Task Group-Sulu partikular ng Philippine Marine Ready Force sa pangunguna ni Col. Armel Tolato at ng Marine Battalion Landing Team-1.
Kabilang sa mga armas na isinuko ng alkalde ay ang mga sumusunod: 1 Caliber 50 Machine gun without barrel; 150 rds Caliber 50 ammos; 1base plate of 81MM Mortar; 1 bipod of 81MM mortar; 1Tripod of Cal. 50 Machinegun Eight; walong 81MM Mortar ammos; 4 Ammos of 90RR at 50 rds 60MM Mortars ammos.
Sa report naman ng Naval Forces Western Mindanao, nuong Biyernes, February 2,2018 nakarekober din ang mga tropa ng 31st Marine Company sa pangunguna ni 1Lt. Villafria nakarekober ng mga armas sa may Barangay Pisak Pisak.
Ang mga narekober na mga armas ay mga sumusunod: 3 M14 rifles; 3 M16 rifles; 1 90RR, Three(3) 81MM Mortar tubes, One (1) 50 CAL. BARREL , Six(6) M-14 magazines with 108 rds of ammos; 4- 20 rds mags of M16; 1- 20 rds plastic mag of M16; 1- 30rds imag of M16; 120 rds 5.56MM ammos at 3 Magazine pouches.
Dahil sa mga narekober na armas, hinimok ngayon ng mga barangay captains ng Pata Island ang kanilang mga constituents na isuko ang kanilang mga armas.