-- Advertisements --
Nananatiling banta ang mga pagbawas sa pondo para sa ikatatagumpay ng laban sa maternal deaths, ayon sa mga UN agencies.
Bagama’t bumaba ang global maternal deaths ng 40% mula 2000 hanggang 2023, ang downward progress at pagbawas ng humanitarian aid ay nagdudulot ng pagsasara ng pasilidad at kakulangan ng health workers.
Tinatayang 260,000 kababaihan ang namatay dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis noong 2023, at ang pandemya ng COVID-19 ay nagpalala ng problema.
Binigyang-diin ng ulat ang kahalagahan ng sapat na serbisyong pangkalusugan, midwives, at access sa family planning upang mapanatili ang kaligtasan ng mga kababaihan at kanilang sanggol.