Tiniyak ng Manila Electric Company o Meralco na kanilang paiigtingin ang mga ginagawang hakbang para labanan ang nagnanakaw ng metro ng kuryente.
Ayon sa kumpanya, patuloy aniya ang pagdami ng bilang ng mga insidente ng mga ibinibentang nakaw na metro at maging kable ng kuryente.
Sa isang pahayag, sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa hanay ng Philippine National Police.
Nakikipag tulungan na rin aniya sila sa iba pang mga concerned agencies ng gobyerno para ma resolba ang ganitong uri ng ilegal na gawain.
Sa inilabas na datos ng Meralco, aabot sa 1,131 na metro ang ninakaw mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Mas mataas ito ng 63 kumpara sa 695 metrong naitalang ninakaw noong nakalipas na taon.
Hinimok naman ng Meralco ang lahat ng kanilang mga customer na iulat sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon para maaksyunan kaagad ang naturang suliranin.