-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsama-sama ang Liga ng mga Barangay kasama ang kani-kanilang mga Brgy. Secretary at Sangguniang Kabataan upang muling alamin ang proseso ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pagdedeklara ng Drug Cleared Barangay sa bayan ng Kabacan Cotabato.

Ayon kay MADAC Focal Person Honey Joy Cabellon, batay sa PDEA, mayroong apat na paraan para madeklarang drug cleared na ang isang indibidwal.

Una, Namatay na ito, Pangalawa: Subject for Operation na ang PWUDs, Pangatlo: No longer Existing sa Lugar, at Pang-apat: Attended and Graduated CBDRP.

Kaugnay nito, hinikayat ng PDEA ang mga Brgy. Officials na laging i-update at imonitor ang listahan ng mga PWUDs sa kani-kanilang nasasakupan.

Siniguro naman ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman ang PDEA na kanilang pagsisikapang maisaayos ang lahat na dokumentong kailangan upang makamit ang estado na drug cleared ang bawat barangay sa Kabacan.Simbahan ng Sta Teresita sa Datu Piang Maguindanao may mga tama ng bala

Nagpasalamat na lamang si Fr Basada dahil walang tinamaan na mga tao at ligtas sila sa loob ng simbahan.

Nananawagan na lamang ang Kora-Paroko ng St Therese Parish Church sa lahat na magdasal at magkaisa para sa kapayapaan.