Prayoridad ng bagong talagang Western Mindanaco Command (Wesmincom) Commander na palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa terorismo at insurgency.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom Chief MGen Corleto Vinluan Jr. kaniyang sinabi na ipagpatuloy ang mga programang inilatag ng dating Wesmincom chief na ngayon ay Commanding General ng Philippine Army na si Lt Gen. Cirilito Sobejana.
” Katatapos lang kasi ang planong ginawa ng Western Mindanao Command nung si Gen. Sobejana pa ang commander ng Wesmincom, kasama kami duon sa planning process, so ang gagawin, actually last month lang ito ginawa so itutuloy lang namin yun ang priority pa rin namin yung sa Zamboanga Peninsula yung mga NPA diyan and then of course yung ASG naman sa Sulu pa rin,”pahayag ni MGen. Vinluan.
Aniya, naka pokus din ang militar sa pagsulong sa peace and development sa mga lugar na itinuturing conflict areas.
Kabilang dito ang peace agreement ng gobyerno sa Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sinabi ni Vinluan, magpapatuloy ang kanilang defense posture para matiyak na hindi makakapuslit ang anumang terroristic plan ng teroristang grupo.
Umaasa din ang heneral na magbalik loob na ang mga rebeldeng terorista sa gobyerno para magtuloy-tuloy na ang development.
” We will continue to support the development programs and other peace initiatives para ma uplift yung buhay diyan sa area, pati i-strengthen natin yung current peace agreement of the MILF and MNLF,” pahayag ni Vinluan.