-- Advertisements --

Malaking hamon pa rin ang kampanya laban sa terorismo kaya patuloy ang ginagawang pag evolved ng PNP sa kanilang operasyon.


Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas kailangan din nilang mag adjust sa kanilang operasyon lalo na at nagbabago din ang istilo ng mga terorista sa kanilang mga hakbang para makapaglunsad ng mga terroristic activities.

Gayunpaman, siniguro ni Sinas na lalo pa nilang palalakasin ang kampanya laban sa terorismo.

Ayon kay Sinas, ang elite force ng PNP ang Special Action Force (SAF) ang siyang inatasan para labanan ang terorismo.

Sa ngayon patuloy ang mga ginagawang pagsasanay ng SAF gamit ang mga makabagong pamamaraan para lalabanan ang Terrorismo sa bansa.

May mga pagbabago na rin ipinatupad ang pamunuan ng PNP SAF upang hindi na maulit pa ang malagim at madugong pagpatay sa SAF 44 troopers.

Sinabi ni Sinas, mas pinaigting pa nila ang ugnayan sa kanilang counterparts lalo na sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies para mapalakas pa ang koordinasyon.

Naka pokus ngayon ang PNP sa pagpapalakas sa mga kagamitan at pasilidad ng SAF at maging ng iba pang police units.

Ipinagmamalaki naman ng PNP SAF na kanilang na neutralized ang international terrorist na Zulkifli Bin Hir alias Marwan.