-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Gabe Norwood para sa FIBA “Dunk of the Decade” matapos na ito ay talunin ni Arsalan Kazemi ng Iran sa botohan.
Nakakuha lamang kasi ng 40% na boto ang slam dunk ni Norwood sa harap ni Luis Scola ng Argentina.
Nauna rito umabot ng third round ang slam dunk ni Norwood kung saan tinalo nito si Yi Jianlian ng China at Mitch Creek ng Australia sa 2019 FIBA World Cup Qualifiers.
Makakaharap naman ni Kazemi ang dunk ni Rafael Mineiro ng Brazil noong 2015 FIBA AmeriCup.