LAOAG CITY – Hindi apektado ang kampanya para sa 2024 Presidential Election sa United States sa tangkang pagpatay kay dating US Pres Donald Trump.
Ito ang inihayag ni Mr. Rene Ballenas – Bombo International News Correspondent sa United States of America (USA), matapos barilin si Trump kung saan nadaplisan ang kanyang tenga sa kalagitnaan ng kaniyang pagtatalumpati sa kanyang rally sa Pennsylvania, USA.
Ayon kay Ballenas, may malaking hidwaan sa pagitan ng mga democrats at mga republicans na nag-uudyok sa tensyon.
Sinabi niya na kahit na nagdala ng gulat at takot ang insidente ay nanatiling kalmado ang takbo ng kampanya.
Dagdag pa niya, walang pagtaas o pagbaba sa ratings nina Trump at Pres Joe Biden sa pagka-Pangulo.
Samantala, nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng assassination sa United States kundi mula pa noong 19th century hanggang sa kasalukuyan.