Tiniyak ni Central Command Commander Lt. Gen. Roberto Ancan na lalo pang palalakasin ng militar sa Visayas ang kanilang kampanya laban sa mga local terrorist group ang CPP-NPA-NDF sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic.
Layon nito para matiyak ang peace and order sa mga komunidad.
Ito ang binigyang-diin ng heneral sa isinagawang kauna-unahang Command Conference para sa taong 2021 ngayong araw, January 14,2021.
“Let us sustain our efforts, especially on dismantling the remaining Guerrilla Fronts within our area of operation, in coordination with the TF-ELCAC, and our stakeholders on the ground – the peace-loving communities in the Visayas,” pahayag ni Ancan.
Virtual ang isinagawang pulong na dinaluhan ng mga opisyal ng Central Command, Unified Command Staff, JTFs SPEAR and STORM commanders and staff, Commanders ng mga Army Brigades at Battalions, Naval Forces Central, Tactical Operation Wing Central, 53rd Engineer Brigade, at 3rd Civil Relations Group.
Nakatutok ang nasabing pulong sa accomplishment ng Centcom sa taong 2020.
Highlight sa nasabing pulong ay ang pagkakabuwag sa dalawang malalaking grupo ng teroristang CPP/NPA at pagkakapalaya mula sa kanilang impluwensya sa 11 grupo ng mga barangay sa kabisayaan.
Nakapagtala din ang Central Command ng 688 CPP/NPA Terrorists na naneutralize, kabilang ang 18 nasawi, 51 inaresto at 619 ang sumuko.
Kabilang sa 18 napatay na teroristang NPA ay sampung extortionists at isa sa kanilang master mind.
Nasa 188 assorted firearms naman ang nasabat ng command sa kabuuan.
Malaki din ang naging bahagi ng Central Command sa Humanitarian Assistance And Disaster Response (HADR) efforts lalo na sa Search, Rescue and Retrieval Operations; pag transport sa mga relief goods at mga COVID-related activities.
Sinabi ni Ancan malaking hamon sa AFP ang taong 2020, gayunpaman naka pokus pa rin ang militar sa Visayas sa kanilang misyon na panatilihin ang peace and order sa kanilang areas of responsibility (AOR).
Siniguro naman ni Ancan sa mga taga Visayas na ang Centcom ay magpapatuloy sa kanilang mandato bilang Peacemaker sa nasabing rehiyon.