DAVAO CITY – Mas pinaigting ngayon ng Philippine Mental Health Association o PMHA sa Davao city Chapter ang pakikipag-usap sa mga barangay para palakasin ang information at education campaign hinggil sa isyu ng mental health.
Sinabi ni PMHA Davao City Chapter Consultant Precious Manliguez, layunin ng kanilang hakbang para malalaman ng karamihan ang problema sa mental health. Ayon kay Manliguez, ngayon na ang eksaktong panahon para mapag-usapan ang nasabing problema dahil sa mga kaso na napabayaan na lamang ito ng mga kabataan.
Base sa datos mula sa PMHA Davao city Chapter, mayroong 53 na mga kaso sa Suicide ang natala noong 2022 at sa maagang buwan pa lamang ngayong taon ay umabot na sa 23 na mga kaso ang naitala.
Dagdag pa ni Manliguez na ito din ang mainam na hakbang na magsilbing kaalaman ng mga tao pagdating sa mental health isyu dahil problema din ito sa pamilya maging sa mga kaibigan.