-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya sa Paris Olympics ni Pinay Hurdler Lauren Hoffman.
Kasunod ito na magtapos siya sa panghuling puwesto sa 400 meters hurdles repechage heat 3 sa Stade de France.
Nakapagtala siya ng 58.28 segundo para maging huling atleta na makatapak sa finish line.
Tanging ang top two lamang kasi sa tatlong repechage heats ang aabanse sa semifinals na pinangunahan ni Shana Grebo ng France nanguna sa Heat 3 na mayroong 54.91 at sinundan ni Anna Ryzhykova ng Ukraine na may 54.95.
Magugunitang nitong Linggo ay hindi na nakapagtala ng outright semifinals si Hoffman matapos magtapos ito ng pang-walong puwesto ng makapagtala ng 57.84 segundo sa Heat 4.