-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Pinaigting pa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Tututukan ng PDEA ang mga Narco-Politician sa ibat-ibang probinsya ng BARMM.
May tinanggap na ulat ang PDEA-BARMM na may mga kandidato ang tumanggap ng malaking pondo mula sa pinagbabawal na droga.
Karamihan sa mga Narco-Politician ay dati ng pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Suportado naman ni BARMM-Chief Minister Alhaj Murab Ebrahim ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa pinagbabawal na droga.