-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga opisyal ng San Jose Del Monte sa Bulacan ang pangangampanya sa “Yes vote” para maging ganap na Highly Urbanized City nito, kasabay sa pagdiriwang sa taunang Tanglawan Festival.

Nanawagan si Congwoman Rida Robes sa kanyang mga kababayan na suportahan ang plebisito para sa Highly Urbanzied City ng SJDMC.

Ayon kay Cong. Robes kung nais ng kanyang mga kababayan na maging ganap na Highly Urbanize City ang kanilang siyudad bumoto sila ng YES sa gagawing plebisito.

Ang plebisito ay nakatakda sa October 30, 2023.

Binigyang-diin ng Lady solon na tama lamang na ipabatid sa mga San Josenos’ na umaasa na magkaroon ng maliwanag na kinabukasan sa pagdiriwang ng Tanglawan Festival.

Ayon kay Robes, natutugunan na ngayon ng lungsod ang mga itinakdang mga parameter upang maging isang “Highly Urbanized City” ang San Jose del Monte.

Aniya, kailangan nila ito dahil lumalaki na ang populasyon at lumalaki din ang pangangailangan ng siyudad.

Siniguro din ng mambabatas na palalakasin nito ang free edcucation program na sa kasalukuyan ay nasa 6,500 beneficiaries mula sa district 2 ng siyudad.

Plano din nito na ireplicate ang nasabing programsa sa district 1.

Nangako din ang mambabatas na sa sandaling maging highl urbanized city ang San Jose del Monte tatlong siyudad ang kanilang i-adopt sa probinsiya.

Sa kabilang dako, ipinunto ni Mayor Arthur Robes na ang lungsod ay “higit sa nakakatugon” sa kinakailangang 200,000 na naninirahan at ang lokal na nabuong P250 milyong taunang kita sa nakalipas na dalawang magkasunod na taon.

Samantala, ang 10-day Tanglawan Festival ay nilahukan ng lahat ng sektor ng siyudad mula sa mga senior citizen hanggang sa mga kabataan.

Highlight sa nasabing festival ang Arya-arya street dancing, cultural fashion show na nilahukan ng mga indigenous people, Zumba contest para sa mga elderly, at Unity Walk na nilahukan ng nasa 15,000 na mga residente.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Office nuong 2020, ang San Jose del Monte City ay mayruong populasyon na 651,813 sa 156,871 households.

Ang lungsod ay idineklara bilang Highly Urbanized City ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 1057 noong Disyembre 2020.

Magkakabisa ito pagkatapos ng ratipikasyon nito sa Oktubre 30.