Pinalakas pa ng militar sa Lanao del Sur ang kampanya laban sa loose firearms.
Dalawang bayan sa nasabing probinsiya ang nagpakita ng suporta sa kampanya ni Pang. Rodrigo Roa Duterte para tuldukan na ang paglipana ng mga loose firearms na karamihan ay siyang ginagamit ng mga local terrorists groups.
Kahapon, August 1,2002 apat na high-powered firearms ang tinurn-over ng local officials ng Kapai at Tagoloan II kay 82nd Infantry Battalion Commanding Officer Ltc. Rafman Altre.
Siniguro ng dalawang opisyal ang kanilang kooperasyon at suporta sa kampanya ng pamahalaan para tuluyan ng masugpo ang pagkalat ng mga loose firearms sa kanilang respective municipalities.
Mismong si Kapai, Lanao del Sur Municipal Mayor Aida C. Gauraki ang nanguna sa pag turn over sa militar ng 1cal. 50 Bolt Action Sniper Rifle na may tatlong live ammunitions at isang 7.62mm Bolt Action Sniper Rifle.
“Eradicating culture of violence will pave the way to a more peaceful and more conducive for development municipality” wika ni Mayor Gauraki.
Tinurn-over din ni Tagoloan II Mayor Cosain Capal, Municipal Mayor of Tagoloan II sa militar ang 1 M16A1 Elisco rifle at 1 Cal 30 US M1 Carbine na may isang magazine.
Sa datos ng 82nd IB mayroon ng walong high-powered loose firearms ang nai-turn over sa kanilang pangangalaga.
Pinuri naman ni Ltc Altre ang dalawang alkalde na nangunguna sa kampanya laban sa loose firearms.
“The efforts of Kapai and Tagoloan II are contributing a lot in our quest for a just and lasting peace in the province. May their initiatives be replicated and be an example to other municipalities” pahayag ni Altre.