ROXAS CITY – Palalakasin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kampanya laban sa vote buying o selling para sa nalalapit na May 2019 midterm election.
Ito ang tiniyak ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.
Ayon kay Densing, mahigpit ang direktiba ng ahensiya sa Philippine National Police (PNP) na bantayang mabuti ang vote buying sa nalalapit na eleksiyon.
Ang naturang direktiba ay bilang tugon sa mga ulat na laganap na vote buying sa bansa.
Mas paiigtingin pa aniya ng mga otoridad ang kanilang pagbabantay upang mapigilan ang pagbili at pagbebenta ng boto.
Ipinasiguro rin nito na iimbestigahan ng mga otoridad ang anumang kaso ng vote buying at sisiguraduhin na mahuhuli at mapaparusahan ang mga mapapatunayang may kasalanan.