-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagtagumpay ang Bombo Bancarera na isinagawa sa Gumasa Glan Sarangani Province kasabay ng 13th Mahin Festival Edition.

Itoy matapos dinagsa ng daan-daang katao na ang ilan ay nagmula pa sa ibat -ibang dako sa Mindanao.

Nangibabaw ang galing ng banca rider na si Rodgie Barit na taga Balut Island, lalawigan ng Davao Occidental matapos na ito’y nag-kampeon kung saan nakatanggap ito ng P20,000 cash prize.

Nabatid na 30 banca riders mula sa ibat-ibang lugar ang kalahok.

Ang 2nd placer naman ay si Tony Remulla na taga Maasim Sarangani Province habang ang 3rd placer ay Jojo Parayag na taga Balut Island Davao Occidental.

Matatandaang sinabi ng Glan Tourism Office na naging ‘crowd drawer’ ang Bombo bancarera bilang bahagi ng aktibidad ng Mahin Festival sa Glan Sarangani.