-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Target ngayon ng sepak takraw Philippine national team na madepensahan ang kanilang kampyunato sa 2019 Southeast Asian o SEA Games para sa men’s hoop event.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni sepaktakraw national athlete Elly Jan Nituda na tatlong kategoriya ang kanilang sasalihan ngayong taon na kinabibilangan ng men’s double, men’s team double at men’s hoop kungsaan sila humakot ng gintong medalya sa nakalipas na 2019 SEA Games.

Napag-alamang nitong nakalipas na araw pa lamang sila dumating dito sa bansa mula sa halos isang buwan nilang training sa Thailand na sinimulan noong Marso a-31 at natapos sa Abril a-29.

Nilinaw nitong pinili nila ang Thailand bilang training camp dahil ito ang power house sa nasabing sporting event.

Malakas umano ang Thailand ngunit dahil hindi ito kasama sa kanilang bracket o kategoriya kung kaya’t kaya nilang talunin ang Malaysia at Indonesia.

Sa ngayo’y ilang araw muna silang magre-relax bago bibiyahe patungong Cambodia sa Mayo a-6 dahil sa Mayo a-10 hanggang a-17 pa kanilang game schedule.