-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanindigan ang kampo ni dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez na wala silang kinalaman sa pagpatay sa negosyante sa Iloilo na natagpuang naaagnas na sa loob ng kaniyang sasakyan sa Brgy. Inangayan Sta. Barbara, Iloilo.

Ang biktima ay si Claire Diergos, 36, residente ng Deca Homes Subdivision, Pavia, Iloilo.

Maliban sa dating alkalde, nahaharap rin sa parehong kaso ang kanyang misis na si San Dionisio, Iloilo Vice Mayoralty candidate Saliha Lopez at mga anak nila na sina Felix Paul at Carlos Paul.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Dwight Trasadas, legal counsel ng pamilya Lopez, sinabi nito na wala pang natanggap na subpoena at kopya ng mga affidavit ang kanyang mga kliyente

Posible anya na naiugnay ang kanyang mga kliyente sa krimen dahil sa pamilya ng alkalde binili ang sasakyan kung saan natagpuan ang bangkay ni Diergos.