Hiniling ng kampo ni KItty Duterte, anak ni Former President Rodrigo Roa Duterte na magtakda ang korte suprema ng oral orguments para sa kanilang isinumiteng petisyon na habeas corpus para sa dating pangulo.
Sa isinapublikong pahayag ni Atty. Salvador Panelo, ibinahagi niyang naghain ang law firm nito ng isang mosyon upang hilingin ang isang legal debate sa pinakamataas na hukom.
Ayon kasi kanya, mahalagang magkaroon ng ganitong hakbang para magbigay daan na masuring maigi ng Supreme Court ang mga legal at constitutional issues na nakapaloob umano sa kanilang petisyon.
Dagdag pa niya, ang oral arguments ay mahalaga din aniya dahil sa mas transparent ito at madali pang maiintindihan ng publiko ang naturang isyu.
Ipinaliwanag din ng kanilang kampo na ito’y dapat hindi isantabi sapagkat ang magiging resulta sa pagdinig o magiging resolusyon hinggil rito ay inaantabayanan ng publiko.
Nakapaloob sa isinumiteng mosyon ang hiling nilang matalakay sa oral arguments ang katanungang ‘kung maari bang umiwas ang Ehekutibo sa pananagutan sa writ of habeas corpus ng Korte Suprema kung ang isang indibidwal ay naidetena na sa labas ng bansa’.